Mahirap umasa sa taong hindi ka naman mahal,

pero mas mahirap umasa na papasa ka exam na hinulaan mo lang.

"I guess you should tell him now. No one knows when is the right time. Karapatan niyang malaman yan kahit sabihin mong alam mo na ayaw niya. At kapag nasabi mo na yan, mawawala na lahat ng sakit na nararamdaman mo."

"Minsan nga, masakit talaga. Kasi pinaghirapan mong initindihin lahat-lahat ng pinag-aralan niyo. Pinaghirapan mo ding reviewhin at ilang pack na din ng happy ang naubos mo para lang ma-memorize lahat ng pinag-aralan niyo. Pero minsan nakakagaan din ng loob kapag nakakatulong ka sa iba no? Kaso wag lang aabot sa punto na aabusuhin nila."

"Sabi nga ng nakakarami.. "If it’s meant to be it will be." Sa tagalog.. "Kung kayo talaga, kayo talaga." Mag-focus ka muna sa ibang bagay. Mag-aral ka muna ng mag-aral. Do something for your own betterment. Para rin yan sa kinabukasan mo. HAHA. Wag ka rin muna maghanap ng iba. Maghanap ka nalang kapag okay ka na. Kapag hindi mo na siya mahal. Wag yung nasasaktan ka pa. Mahirap yun. Hindi rin mapupunan ng susunod yun. Take time, take it slow. ”

"All the stress of life.. Lahat ng nagpapahirap sayo, alam mo naman na magpa-pay off yan in the nearer future. Lalo na kung deserving ka.. Mag-pray ka lang. Kahit ako, nung mga times na nahihirapan na ko. To the point na gusto ko na mamatay, nagdasal lang ako. And He enlightened me. Basta naman may tiwala ka sakanya, He’ll provide everything you need. Kung iniisip mo na walang andyan para sayo, He’ll be there. If you’d be thinking that life is unfair on you, just think of the things you have na wala yung ibang tao at makuntento ka kung ano lang binigay sayo ni Papa God."