Kahapon, I think I found my destiny. Ilang beses kami nagkikita, pinagtatagpo ng hindi sinasadya. First, nagkasalubong kami sa may comfort room. Nagulat ako kasi ang gwapo niya sa varsity jacket niya at dorky-look din. Tapos, nakasalubong ko siya sa may 2nd floor, at nasa likod ko pala siya nung sa may escalator. Tapos, kakain sana kami sa mga kainan dun sa may supermarket. Pero… andun nanaman siya, at nakatayo siya sa harap ko pero nakatalikod. Dumaan ako sa gilid niya, tinignan niya ko. Tapos, dumaan ako ulit (pabalik na ako) nagtitigan kami. Tapos, ngumiti siya. Muntik ng mahulog puso ko sa sahig. Hindi ko alam kung bakit niya ko nginitian, pero syempre, nginitian ko nalang din siya. Habang hinihintay ko nanay ko, hindi ko napigilan sarili ko. Pinicturan ko siya bago kami umalis. (hindi na ako nahiya kahit may iba kaming katabi) Kaso, nakatalikod. Tapos, nagtimezone naman kami. Andun nanaman siya, nag-giguitar hero. Nakakainlove grabe. Hindi ko siya makunan ng maayos kasi napansin niya na nandun ako. Baka iniisip niya tuloy na stalker ako. Pero, sinubukan ko pa rin na kuhaan siya, kaso blurred. Wala rin. Nakakainis lang.

Sayang, hindi ko man lang nalaman pangalan niya.

(Source: bubbledface)

Riggs Randall Martin

Nung grade school pa lang ako, sikat na siya. Crush ko na siya noon kasi super gwapo, cute, at lahat na ng pwedeng i-compliment sa isang Prince Charming. Lol. Artistahin nga diba e? Hawig niya si Chris Gutierrez diba? (crush ko din yun!) Iba din to e. Magaling tong sumayaw. Nagpeperform siya noon sa school kapag may program. Hindi ko lang matandaan kung nasali siya sa Jowas Club (club ng mga poging dancer) noon. Hindi ko na matandaan lahat tungkol sakanya. Basta, nagka-amnesia ako nung dumaan siya sa harap ko.

Hendrix Del Rosario.

His smile is worth a million bucks I can say. Super-duper yaman “daw” kasi neto. I dunno, but based on what I read and heard, I guess he is. I browsed his facebook wall, at some of his pictures looked like na parang nakatira siya sa ibang bansa, but I don’t really know. His also a friend of Clint Villanueva. Parehas silang nag-aaral sa San Beda. I don’t know kung hanggang ngayon because I’m not really into him and I don’t stalk any of my crushes. Except nalang kung super-crush talaga kita, I’d be wasting my time, maging close lang tayo. (Ma-londeh! Hahahaha.) He’s smile is a little bit awkward. Ang payat niya kasi e. Pero kahit ganun, pogi pa din naman, DIBA?

Clint Villanueva.

Isa pa to sa mga pangarap ko e. I just added hime before on facebook because he’s a mutual friend of my friends and classmates. Pinsan din siya ng old classmate. He seems to be like “the englishero boy” na datingan at ang lakas ng tama nya sakin when I first saw him. Dude, he’s way too hot for me. Kaso may girlfriend na siya. /Laslas. He has the nicest eyes, lips, bone structures and smile. Ewan ko nalang sa height niya. Pero all I can say is, he’s very pogi, gwapo, and cute.

Ruffy Ochoa.
Hindi ako sigurado kung yan yung tunay niyang pangalan dahil madaming poser tong lalaking ito. Nakilala ko lang siya sa classmate ko pero hindi niya pa alam yung pangalan before. Nakita niya lang sa net tong si Ruffy, tapos nagpaprint siya ng picture tapos nilagay sa ID. Tapos, 2 years after. Nakita ko yung facebook niya (ewan ko kung sa facebook?) At ewan ko kung siya talaga. Marami-rami namang picture, kaya baka siya nga. Ang gwapo talaga neto e noh. Parang prince charming ang datingan? Lololololo mooooo. Sana makita ko siya one day. Hahahaha.

Ruffy Ochoa.

Hindi ako sigurado kung yan yung tunay niyang pangalan dahil madaming poser tong lalaking ito. Nakilala ko lang siya sa classmate ko pero hindi niya pa alam yung pangalan before. Nakita niya lang sa net tong si Ruffy, tapos nagpaprint siya ng picture tapos nilagay sa ID. Tapos, 2 years after. Nakita ko yung facebook niya (ewan ko kung sa facebook?) At ewan ko kung siya talaga. Marami-rami namang picture, kaya baka siya nga. Ang gwapo talaga neto e noh. Parang prince charming ang datingan? Lololololo mooooo. Sana makita ko siya one day. Hahahaha.

Ang sweet lang talaga.

Kaninang uwian, maaga uwi naming 2 sections at yung 2 naman 4PM pa labas. Kasama kong maghintay nun si Carlo, at nagfoodtrip kami. Bumili kami ng shake at pagpag? (hindi ko alam pangalan, basta murang chicken) Haha. May nagkwento sakin na yung binili naming pagpag e, tira-tira yun ng mga fastfood chains at nilalagyan nalang ng itlog at harina. Alam ko namang hindi totoo yun kaya palagi pa din kaming kumakain nun. Kung ano-anu kinuwento ni Carlo. Pero ako, ewan ko ba. Tuwing kasama ko yan, para kong lutang. Nakikinig ako, pero hindi pumapasok sa utak ko tapos tatawa nalang ako. Natatawa nalang din siya sakin. Haha. Naglakbay-landi kami kung saan-saan. Nakaabot na kami ng kalahati ng destinasyon namin kung manggagaling kami sa paaralan patungo sa aming bahay. Pampalipas oras dahil wala nga kaming matinong matambayan. At hinding-hindi kami tatambay sa harap ng school ng kumakain ng pagpag. Isipin nila.. Haha. Tsaka, ayoko na ding ma-issue, kasi baka magkailangan. Tapos, ayun labasan na nung 2 sections. Nakita na namin yung mga kaibigan naming iba pa. Tapos more kwento. May nakwento din akong sekreto kay Carlo na dapat sa barkada lang. Wala naaaaaa, sira na reputasyon ko. Haha. Echos. Edi more jusap lang, napansin nila bakit kasama ko nanaman si Carlo. Edi sila naman : “Yeeeeeeeee!!!!!” Punyemas. Kahihiyan nanaman ang inabot ko mula sakanila. Pero hindi ganung tao si Carlo, hindi siya naiilang kahit ganun yung mga kaibigan ko.

Tapos, may na lagay na parang patak ng shake sa baba ng mata ko. Sa kakasimot ko ng sago at marshmallow, ayan napakasiba kasi. Nalagyan tuloy ako. Hindi ako nahiya kahit pinagtawanan pa ko ni Carlo. Tinawanan ko pa nga sarili ko e.

Carlo: May something ka pa sa mata. Hahahaha!

Ako: (natatawa na) Haha, alam ko. Bayaaaaan. (tapos nilapit ko yung mukha ko sa kanya, parang sinasabi ko na “punasan mo yung mukha ko.”)

Carlo: (pinunasan yung basa sa may face ko na parang boypren ko siya.) Oh, ayan. Wala na talaga. Hahahahahaha.

Ako: Natuwa ka ha? Pwede baaaaaa. (favorite expression.)

Super kinilig talaga ko dun. Kunyare, wala lang. Pero deep inside.

Haha. Tapos, niloko nanaman kami. Andun din yung isa kong crush (hindi na yata crush, kasi para kaming may Pseudo-relationship, pero feeling ko lang siguro yun. MAG-ISANG UMIIBIG.) Sabay dating ng bestfriend ko. (memenggala)

Pamela: Couples! Hahaha. (sabay alis din agad sila ni Steve.)

BUMANAT SI INAH.

Inah: Kayo naaaaa?! (ako at si Carlo)

Others: Oo nga, kayo na?

Ako: Ako nga wag nyo nga kong inaano hoy? HAHAHA. (expressions inserted maraming mura, maraming tawa. Tsarot. Haha.)

Ako: (nag-iisip ng sasabihin sabay sabing:) Porket ba laging magkasama mag-syota na agad?

Carlo: Oo nga!

Ian: Hindi ba pwedeng, mag-bestfriends muna? Hahaha.

Edi si Ian na tumapos ng banat ko. Haha. Ayun, nagpicture saglit kasi feeling naming ang gaganda’t gwapo namin kanina. Tapos, naghiwalay na kami ni Carlo, kasi siya pa-ganun ako pa-ganito. See? Haha! Nag-foodtrip ULIT. Pero hindi na ako gumastos kasi alam kong wala na akong pera. Nakikain nalang ako kay Jecelle at Ian. Sakto, maglalakad kami at nanlibre si Ian ng paborito ko. “Merengue!” And it’s pronounced as “Merang, not Me-reng-ge.” Ayun, tuwang-tuwa ako. Nakagago nga e, para kong bata kumain. Kasi nagkalat sa mukha ko yung Merengue. Tapos, si Ian unang nakapansin pero alam na ni Inah at Jecelle kasi pinagtatawanan na nila ako.

Ako: Ano ba yun hoy?

Ian: Pati kilay mo kumakain oh! HAHAHAHAHAHA

Ako: Kasi dapat, bago mo ko nilait, pinunasan mo muna diba? Para hindi ako napapahiya ng ganito. Pinagtawanan nyo pa ko! :( CHOS.

Ian: Halika dito, lapit ka bilis. (sabay punas sa kilay kong may Merengue gamit ang kanyang bimpo.)

Inah at Jecelle: Aw! How sweet! :”>

Jecelle: Ian, ako din yata may dumi dito oh (pointing at the face) HAHAHAHAHAHA! Joke.

Natapos yung buong araw ng paglalandian at paghihigadan. At sa dami ng nalaman ko sa araw na to, sana maging maayos pa ang buhay ko. Fin.

NGAYON KO LANG NAPANSIN YUNG PHONE KO.

Pagkakita ko, 8 missed calls. Para sakin, napakadami na yan. Pero nagulantang ako sa nakita ko kung sino yung mga nag-missed calls.

  • Crush (5)
  • Crush (2)
  • Bestfriend (1)

At halos ibato ko na yung cellphone ko nung nakita ko yun. Yung missed call sa bestfriend ko, ayos lang e, madalas ko ng kausap. Yung una ko namang crush, madalas ko din kausap pero.. SYEMPRE! Iba pa din kapag siya yung nakakausap ko. Napapakanta nalang ako ng : “Boy you got my heartbeat runnin’ away.” Haha. Kilig pipi e. Yung second crush ang pinaka-importante. Punyemas! Bakit ba kasi tinago-tago ko pa yung cellphone ko? Sinilent ko pa! Punyemas talaga. Napapaisip tuloy ako. Bakit kaya sila tumatawag? Nababagabag tuloy ako. -.-