Nagbabalik. After asdfghjkl1234567864321 years, natapos na din ang mga malalagim na kalbaryong pinagdaanan ko. Lol. I mean, nagkaroon lang ako ng problema at nahirapan din umintindi yung utak ko kaya pinahinga ko muna yung sarili ko sa realidad. Binigyan ko ng oras yung sarili para maayos kung ano mang mga maling bagay ang naiisip ko.
Well, expected ko na madaming mag-a-unfollow. I thanked those who remained, they’re the real ones. Masyado kasi akong nagbisbusy-han at habang tumatagal, lalo akong nawawalan ng gana magtumblr. Wala rin naman kasing nakakamiss. Pero ayos lang dahil naisip ko din na nagpopost ako ng mga bagay na gusto ko at kahit wala na sigurong magbasa, atleast nakakapagbahagi ako ng mga bagay na pwede ninyong kapupulutan ng aral. (Tagalog na tagalog. Lol. Very well said. Hahahaha!)
The fun is wrong with me? Masyadong matagal akong nawala at madami din sigurong nagbago sakin. Lalo na sa mga problema na mas nagpatibay at mas nakilala ko ang sarili ko. Pero hanggang ngayon siguro, hindi ko pa din lubusang masasabi na maayos na ang lagay ko. Sa palagay ko, marami pang bumabagabag sakin.
Anong mga bago dito? Grabe, para kong bagong salta. Nabobobo na yata ako.
To sum this up, It’s been a month or two and I miss all the people here.
I miss you mga be! ♥
I’ll be posting anything randomnly about me. If you have questions, violent reactions or anything that bothers you, please TA me. :)
Kamusta you? Sana okay lang you. Wag na you malungkot ha? I’ll hug you nalang. >:D< Feeling any better? Lol. Basta, kapag may problema ka, wag mong kikimkimin. Wag kang tutulad sakin. Kasi mahirap, masakit talaga. Kaya if you need someone to talk to. I’m here naman e. Let it all out. Baka makatulong ako. Hindi naman you iba sakin e. Heehee. Basta, wag you mahihiya. TA lang kaYOU ha? Tapos dalasan you ang pagpe-pray. Mas gagaan yung feelings mo, swear. And, cry it all out. :)
Sorry sabaw e. HAHAHAHAHA.
Lahat ng posts ko ngayong week ay queued lang po.
Stay safe and be happy! ;)
Hi, nakausap ko ngayon yung isa sa mga close sa puso ko. Si Carlo. Isa siya sa mga guy bestfriends ko na palaging andyan lalo na kapag kailangan ko ng clown. Nuff said.
Hahahahaha. Goodnight! Wala ng net! XD
Busog na busog ang queues. ;)
Lalo na yung theme pati banner. Err. Pinalitan ko muna tapos aayusin ko na din to. Pero maganda naman yung ginamit kong theme ngayon. Dali, tignan mo kung maganda tapos magbackread ka na din. Thank you, labyu! :)
Hindi talaga ako makaget-over e. Ang saya lang talaga. Ngayon ko nalang ulit to naramdaman. Saya at kilig? Gusto kong magmura sa sobrang saya. HAHAHAHAHAHAHAHA. Kasi naman e. Yung crush ko kasi. Yung crush ko kasi. ANO BA. ANO BA!!!!! AWLSASLASDSLDFJSSAKDJALSFKSLDFJALKS =)) MAKAKAIN NA NGA! LOL
KINIKILIG AKOOOOOOOOOOOOOOOOO HAHAHAHAHA!

ANG TAGAL KO NG HINDI TO NARAMDAMAN OYEAH.
BAKA MAMATAY AKO SA SOBRANG KILIG HAHAHAHAHAH =))))))))
May naalala lang ako. The cutest part of my life. Yeah. Nagbabasa kasi ako ng old notes ko sa Diary ko. Tapos may nabasa ako na part about dun kay Mico.
Jericho is his real name, if I’m not mistaken. At the sad part is, hindi ko nakuha yung last name niya. Isa siya sa mga naging super crush ko. Simple lang siya. Amboy-type (American Boy Type) yung itsura niya. Maputi, pero medyo singkit? Hindi, mapungay pala yung mga mata niya. Matangkad ng konti sakin. Mukhang anime na naging tao. Simple lang manamit. Hindi jejemon, at hindi mukha pupunta sa party. Hindi nag-aayos o nagje-gel ng buhok, pero minsan kapag trip niya, madalang siyang nagje-gel o kung wax man ang gamit niya.
Wala siyang masyadong friends maliban sa mga tao sa computeran
at dahil na rin nakatira sila sa tapat ng kalsada kaya wala masyadong nakatira.
Hindi siya madalas magcomputer, pero marunong naman siya magdota.
At ang bago niya tignan palagi kahit hindi naman talaga siya mabango. Lol.
Before kasi, may clinic kami sa may Abad Santos? Hindi ko masyadong sure,
pero alam ko dun yun e. Basta, katabi yun ng bahay ng ninong kong bakla na kapatid ng konsehal ng Maynila. Nuff said lol. Tapos nagkaroon kami ng boy,
si Bonnel. Idk what’s his real name kasi hindi naman ako palatanong nun kaya
wala na kaming contact ngayon. I wonder if he’s alright? Hm, nvm.
Meron kasi siyang naging kaibigan. Kapitbahay lang din ng clinic namin.
2 bahay yung pagitan at sila yung may-ari nung tindahan. And yes, he’s Mico.
Mico and I wouldn’t have met kundi dahil kay Bonnel. I was bored kapag
pumupunta kasi kami sa clinic. It’s either magcocomputer ako, magdradrawing,
manunuod ng tv, o makikipaglaro lang ako sa kapatid ko ng mataya-taya.
At isama mo na din ang walang humpay na kainan session. Buti nalang, medyo naging close kami ni Bonnel. At ayun, pinakilala niya ko kay Mico. Grabe, nung nakipag-shake hands ako sakanya, parang sasabog yung utak ko kakasigaw ng: “Ang gwapo niya, syeteeeee!” Tapos, nakakapagbonding na kaming tatlo
kapag andun ako. Kaso, we (Mico and I) don’t talk too much kasi nahihiya ako sakanya. Siya rin naman kasi e. Pero madalas kaming maglaro.
Kahit na matanda na kami nun. I was 15, Mico was 17, and Bonnel was 19,
I guess. Twas’ last last year. Nakakamiss yung laging may nakabuntot saking dalawang kupal kapag bibili ako ng pagkain sa ibang tindahan. May hepatitis din pala si Mico, at medyo matagal pa bago namin nalaman. At simula ng nalaman ng mama ko yun, hindi niya na kami sinasama ng kapatid ko at pinapalapit kay Mico. Kahit si Bonnel, madalang na nakakausap si Mico. At laging nasa loob nalang ng bahay nun si Mico.
Grabe, nakakamiss yung uupo lang kami, tapos lolokohin kami ni Bonnel.
Tapos una pang kikiligin si Mico sakin e. Hahaha. Grabe, sayang.
Sabi kasi ni Bonnel, crush daw ako ni Mico. Pero tumatawa siya nung sinasabe
niya yun. Sabi ko hindi ako naniniwala. Pero biglang sinabe ni Bonnel: “Ilakad nga daw kita sakanya e. Tsaka ano ka ba, maganda ka kaya drea.”
Nasayang yung love story namin. Hahahaha. Assuming. Cute pa naman yun! Sayang. Hahaha. Kaso may sakit. Gumaling na kaya siya? Sana hindi lumalala
yung sakit niya. Ngayon, hindi ko na alam kung okay pa sila. Kung asan na sila, kung buhay pa sila. Kung namimiss din ba nila ko. Ni-hindi ko nga alam kung
kilala pa nila ko e. Namimiss ko na talaga sila. Nakakamiss.
Hi. Summer is really boring lalo na kung paulit-ulit nalang yung ginagawa mo. Parang ako. Matutulog ng bandang 6AM, gigising ng 1PM, kakain, magliligpit ng pinaghigaan, maglilinis ng bahay, mag-papatugtog ng malakas tapos
gagawa ng mga dance routines, konting sit-ups, at kapag super bored na talaga, pinipilit kong tapusin basahin yung Hunger Games para mahiram ko na yung Catching Fire. Nakakainis kasi, sa sobrang kagipitan nung mga nakaraang buwan, at kahit ngayon, wala akong chance para mapanuod yon. Alam ko, ang kawawa ko talaga. Hindi nga ako nakakaranas ng kahit anong kaginhawaan o break sa bakasyon kong to.
Buti pa nga yung katulong namin, may bakasyon. Ako naman ginawang katulong dito. Mas masarap pa buhay ko kapag may pasok. May pera akong naiipon, nakakagala ako, nakakasama ko yung mga kaibigan ko, nakakapagsaya ako, nakakatawa ako. Sa gabi, hindi na din ako kumakain kasi kapag sumabay akong kumain sa kanila, no choice ako. Ako at ako lang talaga ang maghuhugas ng mga plato. Hindi naman sa tamad ako, pero pagod na nga ko nung mga nakaraang buwan, pagod pa rin ako ngayong bakasyon.
Hindi lang siguro, kundi pagod na pagod na ko sa buhay kong to.
Kapag hindi naman ako sumunod sa ibang utos ng mga magulang ko, sasabihan akong tamad kahit nagawa ko na lahat at tumanggi lang sa isang bagay. Oo, kunyari wala akong ginawa tapos uutusan at uutusan nila ako hanggang sa maging puti na ang uwak. Wala na kong nagiging oras para sa sarili ko, kundi tuwing madaling araw. Nakakapagmuni-muni ako ng mga plano ko sa buhay. Habang sila, tulog na tulog na at ako, iniisip kung anong kinabukasan ang meron ako.