RF: Mahilig ako sa aso.

Hindi naman siguro masyandong halata ‘no? Hahahaha. Animal lover talaga ako bata pa lang. Madali akong maawa lalo na sa mga hayop. Kahit ipis, hindi ko kayang patayin kahit takot na takot ako dun. Sino ba namang ayaw sa aso diba? Maliban nalang siguro kung may trauma at takot ka talaga. I had a dog before, nung bata pa ko. He’s name was Spike. Askal lang yata? siya ay kulay Black and White siya. Isa siya sa mga nakasama ko sa paglaki ko. Nung medyo bata pa daw ako, lagi ko yang kalaro at hindi ako kinakagat. Mabait talaga siyang aso. Matalino. Pero kinakahulan niya yung mga hindi niya kilala. One time, nakagat ako ni Spike sa tagiliran pero hindi malalim. Natapakan ko kasi yung paa niya. Kahit kilala niya ko, nasaktan kasi siya ng sobra. Kaya kinagat niya ko. Simula nun, nandun na siya sa parang balkonahe namin sa dati naming bahay. Sa balkonaheng yun e may mga chicken wire yata tawag dun? At yun. Kinain niya yun sa sobrang kagutuman nung one time na umalis kami at hindi namin siya napakain. Nagulat kami, naninigas na siya. Nabutas na daw yung bituka at pati lalamunan niya kasi nakita namin na sira sira na yung pantakip sa bintana na chicken wire.

Nagsisisi ako sa nagawa ko, na lumayo yung loob ko sakanya. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kaibigan ko.

RF: I hate mangoes.

Alam kong taliwas sainyo. Sorry kung ayoko talaga sa mangga. Given na hindi talaga ako kumakain ng prutas e pinaka ayoko sa lahat e mangga. Akala ko masarap. Pero nung unang tikim ko, lasang gamot. Mas kinakain ko pa yung bagoong at asin. Hindi ko pa din nararanasan yung sinasabi nilang nangangasim? Ano bang feeling nun? Gusto ko sana ma-experience, kaso ayoko talaga sa mangga. Kapag tinitikman ko, niluluwa ko lang din. Hindi naman sa maselan, we have our different taste buds naman e. Siguro, kakaiba lang ang panglasa ko. Siguro nga, weird talaga ako.

RF: Left-handed ako.

There’s a great story behind this. Kaya ako naging lefty is because of my Tito Ador. Siya nag-alaga sakin hanggang paglaki. He has only one arm. His legs are not the same. Yung isa mahaba, yung isa maikli. Yes, he’s inborn. Pero dahil sakanya, I learned how to write. Siya yung naghirap sa pagpapalaki sakin. Madalas nga niyang kinukwento sakin na siya naghuhugas ng pwet ko dati, siya naghahatid-sundo sakin sa school at isang malaking bagay na yun para sakin. Marami kasing nangloloko sakanya. Pero never ko siyang kinahiya. Masayang-masaya ako nagkaroon ako ng titong gaya na. Pinagtiyagaan ako hanggang sa huli. Isa siya sa mga pinaka-importanteng tao sakin.

May mga sabi-sabi din pag lefty ka. Magagaling daw magdrawing ang mga lefty. Siguro, kahit papaano, medyo marunong ako. Kaso sobrang tamad talaga ako kaya wala akong madrawing na matino. Sabi din nila na hindi naman sa pangit pero, sige na nga. Medyo pangit daw magsulat pagkaliwa. Ewan ko lang ha. Pero hindi naman ako napapangitan sa sulat ko. Syempre, bilang babae, nakakahiya kung pangit sulat mo. Kaya kapag may time ako, sulat lang ako ng sulat kahit tinatamad ako. To improve din yung penmanship ko. Lol.

RF: Meron akong dimples.

Not just one, not just two, not just three kasi hindi ko alam kung ilan sila. Baka naman isipin mo na buong mukha ko e puro dimples. No, no, no. Mga 3 yata e? Pero hindi ako sure. Sabi nila ang cute daw sa isang tao ang may dimples. But for me? I don’t know. Binabagayan talaga ang dimples. Kung pangit ka talaga, wala ng magagawa yang dimples mo.

Just SIMLE and get DIMPLES. ;)

RF: Mallit lang ako. 5’4 or 5’5.

Hindi pa nga yata 5’5 e. Baka 5’3 or 5’4 lang. Dati, nung bata pa ako, isa ko sa mga palaging na hulihan ng pila. O kaya naman pangalawa sa huli. Napakatangkad ko noon. As in. Hindi ko alam kung bakit hindi na ko umasenso. Sabi kasi ng mga kaklase ko, kapag tumataba ka, lumiliit ka. Hindi ko alam kung totoo yun. Nakakatawa pero naniwala ako. Pero siguro dahil nung bata pa ko e hindi ako mahilig matulog pag hapon. Naniniwala din ako dun na tatangkad ka kapag natutulog ka kapag sa hapon o “Siesta” kung tawagin nga nila. Siguro kakapuyat ko din, kaya hindi na ko tumangkad. Huhu.

RF: Malambot tenga ko at kaya kong ipasok yung tenga ko sa loob ng tenga ko.

Okay. Turn-off ka na kasi weird. Hahahaha. Hoy, iilang tao lang nakakagawa nyan. At pinagmamalaki ko na nagagawa ko yan. Marami ngang natutuwa sakin kasi nagugulat nalang sila na bigla-biglang nakatiklop paloob yung tenga ko. Yes, malambot lang ang mga buto ko sa tenga kaya nagagawa ko to. Parang wala nga daw buto sa sobrang lambot. Dati kasi, palagi ko yun ginagawa pampatulog ko. Ayun, siguro nasanay kaya lumambot yung tenga ko. Alam ko. Weird talaga. HAHAHA.

RF: Sungki ako.

Yes, yes I am. At ang tagal ko ng gustong ipa-brace to, pero dahil sa kahirapan, nilaan nalang namin sa mga mas mahahalagang bagay yung pagpapa-brace ko. Ang nakakainis sa nanay ko, magbibitaw ng promise tapos hindi tutuparin. Parang siya, paasa. HAHAHAHAHA.

RF: Pangarap kong magkaroon ng Zoo.

Kinda weird, but yes. Yes it is. Ngayon kasi, parang gusto ko nga sana maging vet. Pero ayun nga, dahil hindi naman kami ganun ka-yaman para mag-aral sa mga prestigious school na meron ng course na to. I really love animals. Kahit ano, wag lang ipis. Hahaha. Kahit spiders and snakes. They seemed to be cute in my eyes. Lol. Weird it is. But I consider them as God’s gifts and we should take care of them. By the way, we have 3 dogs. Madadagdagan kasi kami ng isa pa kaya 3. I wonder if it’s a boy or girl. Ano kayang maganda name? Gagawin kong k-pop. HAHAHAHAHA! JOKES.

RF: Adik ako sa The Script at Silent Sanctuary.

Lahat ng kanta nila, alam ko at kabisado ko.

RF: Gusto kong magpakulay ng buhok.

-Kahit minsan, gusto mo maranasan yan! Please lang. Kahit isang beses lang. Yung tipong mapicturan lang akong may kulay yung buhok ko, solve na ko dun. Nakakainggit kasi e! Alam mo yung mga schools na pwedeng may kulay yung buhok, samantalang sa school mo bawal? Kagago lang diba. Pero kung magkakaroon ako ng chance na magpakulay ng buhok, gusto ko yung ganito oh: (any of these.)

Minsan lang mangarap e, hindi pa matutupad. Hay.